COMELEC, nilinaw na libre ang pag-download ng application form para sa voter registration

Nilinaw ni acting Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson Rex Laudiangco na maaring i-download sa COMELEC website ang form para sa voter registration.

Kaugnay ito ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa December 5.

Ayon kay Laudiangco, libre ang form at available rin ito sa COMELEC offices.


Sa July 4 hanggang July 23 idaraos ang voter registration mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Nilinaw rin ni Laudiangco na ang mga menor de edad na maaaring lumahok sa voter registration ay dapat nasa edad 15-17 bago o sa araw ng halalan sa December 5.

Ang kwalapikado lamang aniyang lumahok sa SK elections ay registered voters na nasa edad 15-30.

Ang may mga edad naman na 18 pataas ay maaaring lumahok sa barangay elections.

Facebook Comments