Economic growth rate ng bansa ngayong, posibeng tumaas sa 6% – 8%

84

Posibleng tumaas ng 6 hanggang 8 porsyento ang economic growth rate ng bansa ngayong taon.

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, maisasakatuparan ito kung iiwasan ng bagong administrasyon na magpatupad ng mga lockdown.

Ibig sabihin, dapat mapanatili pa ring mababa ang hospitalization rate sa bansa dahil hindi na kakayanin ng maliliit na negosyante na magsara ang kanilang mga negosyo.


Para naman sa political adviser na si Mon Casiple, kailangan din magkaisa ng lahat ng mga Pilipino kabilang na ang mga hindi bumoto sa bagong administrasyon.

Aniya, hindi kakayanin ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., kung hindi tutulong ang mismong mga mamamayan nito para umunlad ang bansa.

Facebook Comments