MANILA – Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na sa Sabado (March 26) pa magsisimula ang kampanya ng mga lokal na kandidato sa halalan at hindi sa March 25.Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, bawal ang pangangampanya sa March 25, lalo na at tumapat ito sa Byernes Santo.Kaya naman ang campaign kick-off ng mga lokal na kandidato kabilang na ng mga congressmen, governors, vice governors, provincial board members, city and municipal mayors, at city and municipal councilors ay magsisimula sa Sabado de Gloria.Matatandaang Pebrero 9 nagsimula ang campaign period para sa national candidates kabilang ang president, vice president, senators at party-list representatives.
Facebook Comments