Nanawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na huwag maniwala sa mga kumakalat na balita na binibilang na ang mga boto sa Overseas Absentee Voting (OAV).
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez – hindi dapat paniwalaan ang mga sabi-sabing nangunguna na sa botohan o nanalo na ang ilang kandidato.
Aniya, ilang araw pa lamang umaarangkada ang OAV kaya wala pang nangyayaring bilangan.
Binigyang linaw ni Jimenez na ang overseas voting ay magtatapos sa May 13.
Dapat maging mapanuri ang publiko at huwag basta-basta magpapalinlang sa mga nababasa online.
Facebook Comments