PCG, nilinaw na sinuman ay pwedeng pumunta sa Panatag Shoal

109

Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na pwedeng bisitahin ang Panatag Shoal sa Zambales.

Ayon kay PCG spokesperson, Capt. Armand Balilo – wala namang polisiya na nagbabawal ang mga tao pumunta doon.

Ipinaliwanag pa ni Balilo – na kailangang mag-abiso ang mga kapitan ng barko sa PCG stations sa plano nilang biyahe papunta sa Panatag Shoal sakaling magkaroon ng emergency at malaman kung ilan ang kailangang sagipin.

Ito ang pahayag ng PCG matapos sumulat si Otso Diretso senatorial candidate at Magdalo Rep. Gary Alejano sa kanila na humihingi ng permiso na magtungo sa Panatag Shoal.

Facebook Comments