Comelec Officer ng Tuguegarao City Cagayan, Nais Ipalipat ni 3rd. District Congressman Randy Ting!

Tuguegarao City, Cagayan – Dapat lamang umano na ilipat ang kasalukuyang comelec officer ng Tuguegarao City dahil sa paglabag umano nito sa ilang alituntunin habang may filing ng certificate of candidacy.

Ito ang naging pahayag ni congressman Randy Ting ng ikatlong distrito ng Cagayan matapos na naghintay ng mahigit kalahating oras kahapon sa city comelec ng Tuguegarao na aniya’y dalawang pulitiko lamang ang nasa loob ng comelec nang samahan niya ang grupo ng kanyang asawang si Nancy Ting at mga kagawad upang magfile ng certificate of candidacy.

Aniya grupo umano ni Jojo Lara kasama ang legal counsel nito na si Atty. Victor Casauay ang kanilang nadatnan kung saan ay unang nakita umano niya na nasa likuran ni Atty. Casauay ang tauhan nito na nahuli kahapon sa loob ng city comelec office dahil sa baril nito na napansin ng kongresista.


Isa pa umanong hindi maganda na ginawa ni City comelec officer Atty. Jim Dandi Ramos na kakilala rin ni Atty. Casauay ay sinabihin umano ang grupo ng asawa ni Congressman Ting na nagbackdown ang computer ng city comelec kaya’t ipinagpaliban ang pagpa-file ng COC kahapon.

Facebook Comments