WALANG RESPETO? | Pagkandidato ng mga dating Senador na sangkot sa PDAF scam, pinuna ni Senator Pangilinan

Manila, Philippines – Pinuna ni Liberal Party o LP President Senator Francis Kiko Pangilinan ang muling pagtakbo sa 2019 senatorial race ng mga dating Senador na sangkot sa Pork Barrel scam.

Diin ni Pangilinan, nagpapakita ito ng kawalan ng respeto at pag-insulto sa demokrasya at electoral system ng bansa.

Pahayag ito ni Pangilinan makaraang maghain din ng Certificate of Candidacy para pagkasenador sina dating Senators Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada.


Kaugnay nito ay umaasa si Pangilinan na maliliwanagan ang mga botante para piliin ang mga kandidato na totoong kumakatawan sa respeto at nagbibigay pag-asa sa anumang makabubuti para sa mga Pilipino.

Facebook Comments