COMELEC offices, magbubukas hanggang Sabado para sa voter registration

Manila, Philippines – Itutuloy ng COMELEC ang voter registration sa July 2, 2018 para sa May 2019 local at national elections.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, tatagal ang voter registration hanggang sa September 29, 2018.

Tanging sa Marawi City, Lanao del Sur lamang anya hindi makapagsasagawa ng voter registration.


Bukas ang COMELEC offices mula Lunes hanggang Sabado maging tuwing holiday mula alas otso ng umaga hanggang ala-singko ng hapon para sa voter registration.

Bukod sa bagong registration, tatanggap din ang COMELEC ng mga aplikasyon para sa transfer o transfer with reactivation, reactivation, at change o correction of entry sa listahan ng mga botante.

Magsasagawa rin ang COMELEC ng satellite registration mula July 2 kung saan pupunta ang mga field officials ng ahensya sa mga barangay, plaza, paaralan at iba pang pampublikong lugar.

Facebook Comments