Pag-uusapan pa ng Commission on Elections (COMELEC) kung ano ang gagawin sa mga kandidatong hindi dumalo sa COMELEC sponsored debates.
Ayon kay COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan, kokonsultahin muna niya ang iba pang mga commissioner.
Matatandaang hindi dumalo sina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at kaniyang ka-tandem na si Davao City Mayor Sara Duterte sa debate noong Sabado at Linggo.
Dahil dito, sinabi ng ilang mga kapwa kandidato na dapat patawan ng mabigat na parusa ang mga hindi dadalo.
Sinabi naman ni Commissioner George Garcia na hindi maaaring magparusa ang COMELEC sa mga kandidato lalo na kung walang batas ukol dito.
Samantala, magkakaroon muli ng PiliPinas debates sa Abril 3 at 23 para sa presidential candidates habang sa Abril 24 naman para sa vice presidentiables.