COMELEC PANGASINAN, NAHIGITAN NA ANG BILANG NG REHISTRADONG BOTANTE NOONG NAKARAANG ELEKSYON; TANGGAPAN, PATULOY SA PAGHIKAYAT SA PUBLIKO NA MAGPAREHISTRO

Nahigitan na ng Commission on Election o COMELEC Pangasinan ang bilang ng mga botante na naitala nito noong nakaraang halalan.

Sa ngayon ay umabot na 1, 971, 643 ang bilang ng botante sa Pangasinan na pwedeng lumahok sa national at local election sa darating na taong 2022.

Ayon sa pamunuan ng COMELEC Pangasinan Provincial Office, mas mataas ang naitalang bilang kung ito ay ikukumpara sa 1.8 milyong Pangasinense lamang na registered voters noong nakaraang halalan.


Dagdag pa ni Provincial Election Officer Atty. Marino Salas, nahigitan din ng ahensiya ang target ng mga ito na aabot sa 75,000 na bilang na bagong botante simula ng magsimulang buksan ang voters registration noong nakaraang taon kahit pa tayo ay nasa gitna ng pandemya.

Giit pa nito na posible pang pumalo sa higit dalawang milyon ang botante ng Pangasinan na makaboto sa halalan dahil sa hanggang September 30, 2021 ang huling araw ng pagpaparehistro.

Patuloy naman na hinikayat ang lahat na magtungo na sa tanggapan ng COMELEC para magparehistro lalo ang mga indibidwal na mag dise otso bago o sa mismong araw ng halalan upang sila ay makaboto.

Facebook Comments