PANUKALANG PAGTATAYO NG GENERAL HOSPITAL SA ROSALES, ISA NANG GANAP NA BATAS

Isa nang ganap na batas ang House Bill 6850 Republic Act Number 1155 na may layuning makapagtayo ng General Hospital sa bayan ng Rosales, Pangasinan matapos lagdaan ng Pangulong Duterte ang panukalang ito ng mga kinatawan ng lalawigan.

Ito ay matapos na ma-trabaho ng mga kinatawan ng lalawigan para sa mga mamamayan at para sa mas mabilis na paggamot sa mga nangangailangan ng health care services sa probinsya.

Ang Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center ang magiging pangalan ng naturang pagamutan sa lalawigan na matatagpuan sa bayan ng Rosales.


Samantala, kasama din sa nilagdaan ng pangulo ang ilan pang panukalang pagtataas ng bed capacity sa Naguilian District Hospital at Rosario District Hospital sa lalawigan ng La Union at Sinait District Hospital naman sa Ilocos Sur.

Facebook Comments