COMELEC PANGASINAN NAKAPAGTALA NA NG HALOS 18K INDIBIDWAL SA ISINAGAWANG VOTER REGISTRATION

Sa patuloy na isinagawang voter’s registration ng Commission on Elections sa buong bansa, nakapagtala na ng halos labing walong libong indibidwal ang COMELEC Pangasinan.
Base sa isang panayam sinabi ni Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas, nakapagtala na ang komisyon ng 10,690 na regular na botante at nasa 7, 275 na Sangguniang Kabataan na botante naman ang nakapag-parehistro sa kanilang pinakahuling huling datos noong Enero 5 ngayong taon.
Sinabi din ni Salas na nagsasagawa Ang COMELEC ng voter registration sa iba’t ibang paraan, kabilang ang off-site sa mga paaralan, mall at komunidad, gayundin ang pagbibigay ng prayoridad sa mga mag-aaral at mga mahihinang sektor.

Nagtalaga na rin aniya sila ng mga partikular na araw para sa mga kabilang sa mga vulnerable sector, tulad ng mga taong may kapansanan, senior citizen o matatanda, kababaihan, mga taong may komorbididad at lesbian, gay, bisexual, transgender and queer (LGBTQ) group.
Aniya, hinihikayat nika ang publiko na magparehistro nang maaga dahil muli nilang inaasahan na pupunta sila sa mga opisina sa mismong araw ng deadline. Nais naming ipaalala sa kanila na hangga’t gusto naming ma-accommodate ang lahat sa huling araw, ang kanilang mga voter’s machine ay may pinakamataas na kapasidad na 400 transaksyon sa isang araw bawat isa.
Sinabi ni Salas na nakapagtala na sila ng humigit-kumulang 2.1 milyong botante na nakarehistro sa lalawigan na mula sa mga lungsod ng Dagupan at San Carlos, at mga bayan ng Malasiqui, Bayambang at Calasiao ang may pinakamataas na turnout sa voter registration. | ifmnews
*
Facebook Comments