SOCIAL ASSISTANCE NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN, IPINAMAHAGI

Muling nagpamahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ng social assistance para sa piling benepisyaryo mula sa 1st hanggang 3rd District ng lalawigan.
Sakop ng nasabing tulong pinansyal ang pangangailangang maaaring pandagdag para sa medical at burial assistance ng mga benepisyaryo.
Mayroong kabuuang mula dalawang libong piso hanggang tatlong libong piso ang natanggap ng nasa 395 na benipisyaro na nakatakdang paglaanan para sa medical at burial assistance.

Nagpakita naman sa pamamahagi ng Social Assistance Distribution ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang ilang kawani ng Provincial Government ng Pangasinan. | ifmnews
Facebook Comments