Kasabay ng pagsisimula ng voters registraton, nakiusap ang Commission On Elections (COMELEC) Pangasinan sa mga pangasinense na kung maaari huwag ng hintayin pa ang September 30, 2019 o deadline ng registration.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay Attorney Marino Salas, Provincial Election Supervisor, isang voters registration machine lamang ang mayroon sa bawat munisipalidad at siyudad na kayang mag aaccommodate ng 300-500 katao kada araw.
Aniya dalawang buwan ang inilaan ng ahensya para makapag parehistro ang mga ito sa kanilang himpilan tuwing lunes hanggang sabado.
Ang mga hindi bumoto umano noong barangay elections at midterm elections ay kailangang magreactivate ng personal sa kanilang ahensya upang makaboto sa susunod na eleksyon.
Dagdag ni Salas na kung hindi man matuloy ang eleksyon sa susunod na taon may schedule na ang mga ito upang mapalawig ang voter’s registration sa darating na July 6, 2020 hanggang September 2021 para sa Presidential election.