Wala pang pinal na desisyon kung matutuloy o maipagpapaliban ang barangay at sk eleksyon sa paparating na disyembre 2022 ngunit tuloy-tuloy pa rin sa paghahanda ang comelec pangasinan.
Sa isang pahayag, sinabi ni atty. Marino salas, ang provincial election supervisor ng pangasinan, na patuloy pa rin umano nilang sinusunod ang batas para sa paghahanda sa eleksyon habang wala pang pinal na desisyon at habang wala pang pirma si pangulong bongbong marcos jr.
Sa oktubre 20, ang unang target ng ahensiya na matapos ang pag-imprenta ng lahat ng mga paraphernalia na gagamitin sa eleksyon ngunit hindi pa umano sila nag-uumpisa dahil may bagong timeline ang comelec sa pag-imprinta.
Aniya, kailangan umani nilang mag-proceed sa kanilang mga timeline.
Samantala, pinaalalahanan ni salas ang lahat ng mga nais tumakbo para sa darating na halalan na sa oktubre 22 na ang unang araw ng filing ng certificate of candidacy.

Facebook Comments