PROGRAMANG ESSENTIAL HEALTH CARE NG RHU BINMALEY, INILAPIT SA MGA DAY CARE CENTERS SA BAYAN

19
Inilapit sa mga day care centers sa bayan ng Binmaley ang programang Essential Health Care ng Rural Health Unit ng bayan.
Nabigyan ng libreng serbisyo ang mga batang mag-aaral sa Barangay Biec sa ilalim ng naturang programa na may layuning makapag-bahagi ng impormasyon tungkol sa tamang pangapangala ng kanilang mga ngipin habang maaga pa.
Nabigyan din ang mga bata ng fluoride varnish o ang nagbibigay ng karagdagang proteksyon laban sa pagkabulok ng ngipin kapag ginamit bilang karagdagan sa pagsisipilyo.
Itinuro din sa mga bata ang tamang pag hugas ng kanilang mga kamay at mga paraan upang maiwasan ang Dengue at Leptospirosis.
Samantala, ang nasabing programang medikal ay parte ng kanilang kampanya ng LGU upang mas mapabuti ang kalagayan ng mga bata sa bayan.
Facebook Comments