COMELEC PANGASINAN, PUSPUSAN NA ANG PAGHAHANDA SA HALALAN 2025

Puspusan na ang isinasagawang paghahanda ng COMELEC Pangasinan, dalawang linggo bago ang 2025 Midterm Elections.

Sa panayam kay COMELEC Pangasinan Supervisor Atty. Eric Oganiza, hinihintay na lamang umano ang pagdating ng mga gagamiting Automated Counting Machines o ACM maging ng iba pang election paraphernalias.

Aniya, kulang na umano sa oras dahilan ng ilang pagbabago sa dispatch ng mga ACMs mula sa warehouse.

Dagdag pa riyan, nauna nang inihayag ng COMELEC Region 1 na nakakabit na ang mga transmission modem gadgets na gagamitin sa halalan.

Nagsagawa rin ng refresher course ang tanggapan sa mga electoral at technical staffs ukol sa magiging proseso ng halalan.

Samantala, patuloy ang monitoring ng komisyon katuwang ang mga law enforcement bodies upang bantayan ang mga nasa areas of concern sa lalawigan dahil sa posibleng tensyon.

Patuloy naman ang panawagan ng komisyon sa mga kandidato at supporters na sumunod sa batas para sa mapayapa at maayos na pagsasagawa ng halalan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments