Comelec, pinabulaanan ang isyu na kinuha bilang consultant si James Jimenez

Pinabulaanan ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia ang lumabas na isyu na kinuha bilang consultant ng Office for Overseas Voting si dating Comelec Spokesperson James Jimenez.

Ayon kay Garcia, walang katotohanan ang nasabing isyu at sa katunayan lahat ng papel ng nagiging consultant sa Comelec ay dumadaan sa kaniya at wala pa siyang inaaprubahan para magdagdag nito.

Giit pa ni Garcia, walang posisyon sa Comelec si Jimenez at wala ring bakante kung nais naman niyang bumalik dito.


Nabatid na dumalo ang dating spokesman sa MOA Signing ng Comelec sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kung saan nandoon lang ito bilang dating presidente ng Rotary International District na kasama sa naturang aktibidad.

Bukod kasi sa OWWA at Rotary International, kasama rin sa MOA signing ang Associated Marine Officer’s at Seamen’s Union of the Philippines.

Ito’y parte ng paghahanda ng Comelec para sa usapin ng pagpaparehistro at pagboto sa midterm elections ng mga Filipino na nasa ibang bansa.

Facebook Comments