Executive Secretary Lucas Bersamin, makikipagpulong sa National Security Cluster kasunod ng panibagong pangha-harass ng China sa West Philippine Sea

Kasunod ng panibagong panghaharass ng China sa West Philippine Sea ay makikipagpulong si Executive Secretary Lucas Bersamin sa National Security Cluster ngayong araw.

Makakasama ni Bersamin sa pulong si National Security Adviser Eduardo Año na tumatayong Chairperson ng National Task Force for the West Philippine Sea (WPS).

Sa naturang pulong, bubuo ng rekomendasyon ang task force kaugnay sa pinakahuling insidente sa WPS, na isusumite kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Kamakailan ay binomba ng water canon ng mga barko ng China ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na naghahatid ng supply sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Maliban sa pagkasira ng barko ng PCG, ilang PCG personnel din ang nasugatan sa pangyayari.

Facebook Comments