COMELEC, pinabulaanan na pinatigil ang quick count na ginagawa ng PPCRV

Pinabulaanan ng Commission on Elections (COMELEC) na pinatigil ng poll body ang pagbibilang ng mga boto ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Ayon kay COMELEC Spokesman Atty. John Rex Laudiangco, independent organization at ka-partner nila ang PPCRV kaya wala silang kapangyarihan na patigilin ang quick count nito.

Sa katunayan aniya, malaking tulong sa COMELEC ang masusing pagbusisi ng PPCRV sa mga election returns na tinatanggap nito.


Tinukoy ni Atty. Laudiangco ang masusing pagbusisi ng PPCRV mula sa hard copy o sa printed election returns na tinatanggap nito bago i-check ang electronic transmitted ERs.

Ikinalugod din ng Comelec ang anunsyo ng PPCRV na wala itong nakikitang discrepancy o kaduda-dudang proseso habang umuusad ang kanilang quick count

Facebook Comments