Atletang si Mary Francine Padios, pinuri ng Palasyo

85

Nagbigay papuri ang Palasyo ng Malacañang kay Mary Francine Padios.

Si Padios ang kauna unahang atletang Pinoy na mag-uuwi ng gintong medalya sa ginaganap na 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar, ipinagmamalaki ng bansa si Padios na nanalo sa women’s seni (artistic) tunggal (single) event ng pencak silat.


Kasunod nito, nagpaabot narin ng good luck ang Malakanyang sa lahat ng Pilipinong atleta o team Philippines na sasabak sa Sea Games.

Facebook Comments