COMELEC, pinasasagot ng Korte Suprema sa concern ni VP Robredo kaugnay ng umano’y nangyaring “stripping activities” noong halalan 2016

Manila, Philippines – Inutusan ng Korte Suprema na siyang tumatayong Presidential Electoral Tribunal, ang Commission on Elections na sagutin ang mga concern ni Vice President Leni Robredo kaugnay ng umano’y nangyaring “stripping activities” noong halalan 2016.

Matatandaang April 7 nang magsumite ng manipestasyon si Robredo sa P.E.T. na kailangan namang sagutin ng COMELEC sa loob ng sampung araw.

Kabilang sa mga kinuwestiyon ni Robredo ay tungkol sa expiration ng certificates in Consolidation and Canvassing System o CCS USB tokens at ang epekto ng pagpapalit ng system date sa iba pang datos na nasa CCS laptops.


Tinanong din nito kung magkano ang nagastos ng COMELEC sa pagrerenta nito ng warehouse sa Sta. Rosa, Laguna.

Tiniyak naman ni COMELEC Chairman Andres Bautista na sasagutin nila ang mga tanong.

Patuloy namang hinaharap ni Robredo ang electoral protest na inihain ng katunggali nito sa pagka-Bise Presidente na si dating Senador Bongbong Marcos kaugnay ng umano’y dayaan noong halalan.

Facebook Comments