Comelec, pinayuhan ang repatriates na ilipat ang voters registration data

Pinayuhan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga repatriated Filipinos na nakarehistro para sa overseas voting pero mananatili sa Pilipinas hanggang Mayo 2022 na ilipat ang kanilang voters registration data sa local election offices.

Ayon kay Philip Luis Marin ng Comelec Office for Overseas Voting (OFOV), dapat asikasuhin ng mga repatriated Filipinos ang kanilang voters registration data para sila ay makaboto sa nalalapit na eleksyon.

Ang paglilipat ng registration ay dapat gawin bago o sa mismong araw ng August 31, 2021.


Dapat aniya tawagan ng repatriated Filipinos ang local election officers at magtakda ng appointment bago sila magtungo sa Comelec offices.

Mula nitong June 7, aabot sa 7,223 local registration transfer applications ang inaprubahan ng poll body.

Sa ngayon, aabot pa sa 1.6 million Filipinos abroad ang hindi pa nakarehistro para sa 2022 elections, pero nasa 1.4 million qualified overseas voters ang nakapagrehistro na.

Sa datos ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) mula March 2020 hanggang April 25, aabot na sas 529,122 Filipinos ang napauwi na sa bansa.

Facebook Comments