Inirekomenda ng Kamara sa Commission on Elections o COMELEC na mag-invest ito sa digital infrastructure upang maging mas episyente at bawas aberya ang automated voting system ng bansa.
Ayon kay Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, “game changer” na maituturing ang automated election ngunit dapat ay mayroong digital infrastructure ang bansa para mas mapagbuti pa ito.
Kaya naman payo ng kongresista sa susunod na administrasyon na mag-focus sa pagpapahusay ng digital infrastructure dahil hindi lamang ito mahalaga sa eleksyon kundi pati na rin sa ekonomiya.
Iminungkahi ng mambabatas na isama sa 5-year post-pandemic recovery plan ang improvement sa fiber network ng bansa, gayundin sa undersea communication cables at cell site density.
Ipinakokonsidera rin ng Mababang Kapulungan sa Commission on Elections (COMELEC) na dagdagan ang Vote Counting Machines o VCMs para makasabay sa pagtaas din ng populasyon at bilang ng mga botante.