Mga validated election related incident na naitala ng PNP, umakyat na sa 27

41

Nadagdagan pa ng tatlo ang bilang ng mga validated election related incident ang naitala ng Philippine National Police (PNP).

Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo na umakyat na sa 27 validated election related incidents ang kanilang naitala.

Pito rito galing sa Region 9, anim sa Region 3, lima sa Cordillera, apat sa Region 1, tatlo sa


Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at tig-isa sa Region 7 at Region 10.

Pero mas mababa aniya ang mga bilang na ito kung ikukumpara sa mga nakalipas na eleksyon.

Aniya, 60 ERI ang naitala noong taong 2019 habang 133 naman ang ERI noong taong 2016.



Facebook Comments