COMELEC, planong bumili ng dagdag na ballot boxes para sa May 2022 elections

93

Pinag-iisipan ng Commission on Elections (COMELEC) na bumili ng karagdagang ballot boxes para sa May 2022 elections.

Ayon kay COMELEC Commissioner Antonio Kho, maraming ballot boxes ang hindi magamit dahil sa mga nakabinbing electoral protests.


Aalamin nila sa korte kung papayagan silang magamit ito sa susunod na taon dahil kung hindi ay bibili sila ng mga bagong ballot boxes.

Bukod dito, plano rin ng poll body na bumili ng dagdag na Vote Counting Machines (VCM).

Facebook Comments