COMELEC, posibleng ipagbawal ang face-to-face campaign para sa May 2022 elections

Maaaring ipagbawal ng Commission on Elections (COMELEC) ang face-to-face campaign para sa May 2022 national at local elections dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ang mga aktibidad gaya ng pamamahagi ng campaign materials, personal na pangangampanya kabilang ang door-to-door campaign ay posibleng ipagbawal muna.

Hindi pa tiyak kung idedeklara ito kaya makikipag-coordinate sila sa Inter-Agency Task Force (IATF) para dito.


Pangamba ng poll body, mabilis kakalat ang sakit kapag nagkaroon ng face-to-face encounter ang mga mangangampanya at ang publiko.

Asahang magkakaroon ng dagdag pa panuntunan lalo na sa campaign rules, paghihikayat sa online campaigning.

Facebook Comments