COMELEC region 9, handa na sa Barangay at Sk elections sa Oktubre

Zamboanga, Philippines – Handa na ang Commission on Elections (COMELEC) region 9 para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.

Ayon kay COMELEC region 9 Director Atty. Wilfred Jay Balisado, kailangan nilang tumalima sa batas na nag-aatas para paghandaan ang nasabing batas.

“Handa na ang aming record kahit gagawin pa eleksyon bukas.”


Ito ay ang Republic Act 10923 na nagpaliban sa Barangay at SK elections mula Oktubre 2016 patungo ng Oktubre 2017.

Panawagan naman ng COMELEC 9 sa mga nais magparehistro na magtungo na sa mga COMELEC offices sa rehiyon dahil hanggang bukas na lamang, April 29 maaring magparehistro.
DZXL558

Facebook Comments