Ginang, nadakip matapos mahuli sa isinagawang buy bust operation ng mga otoridad sa Misamis Oriental

Misamis Oriental, Philippines – Nadakip sa isinawagang buy bust operation kagabi ang isang ginang na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Napag-alaman na umabot sa 800,000 ang halaga ng mga ipinagbabawal na gamot ang nakumpiska mula sa suspek na nakilala sa pangalan nga si Naira Kairan Zosa, 30 taong bulang na taga-Bloomingdale Subd., Brgy. Iponan sa lungsod ng Cagayan De Oro.

Napag-alaman na gumamit ng 1,000 pesos na buy bust money ang kapulisan sa isinagawang drug buy bust operation, kung saan nabili mula sa suspect ang isang rectangular heat sealed transparent plastic sachet na maylamang hinihinalang shabu.


Sa ngayon, nakaditene ang suspek sa detention cell ng Opol Municipal Police Station sa probinsya ng Misamis Oriental.
DZXL558

Facebook Comments