COMELEC RO2, Nakipag-Ugnayan sa “Oplan Baklas Team” sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Nakipag-ugnayan na rin ang Commission on Elections (COMELEC) Region 02 sa “Oplan Baklas Team” ng Cagayan upang mailatag ang mga panuntunan sa pagsasagawa ng pagbabaklas sa mga campaign materials na wala sa tamang pwesto o lugar sa naturang probinsya.

Kasunod na rin ito ng paglulunsad ng Oplan Baklas sa buong bansa na kung saan ay sinimulan ng COMELEC RO2 sa Lalawigan ng Isabela.

Ayon kay Atty. Borris Ma Banauag, Regional Election Attorney, bago at pagkatapos ng Oplan Baklas ay mabibigyan muna ng notice ang lahat ng mga kandidato upang sila ay maimpormahan sa gagawing pagbabaklas.

Muling ipinaalala ng COMELEC ang mga panuntunan sa ilalim ng Resolution 10732 na dapat sundin ng mga kandidato sa National at Local positions gaya na lamang ng 2×3 feet na sukat ng mga tarpaulins at dapat nakapaskil o lagay ang mga ito sa nakatakdang poster areas.

Kung ipapaskil o nakapaskil naman ito sa private property ay kailangang masunod pa rin ang tamang sukat.

Kapag may Nakita namang paglabag ay kailangang maabisuhan ang nagmamay-ari ng lugar bago baklasin.

Samantala, bumuo na rin ang COMELEC RO2 ng Peace and Order Joint Security Control Center (PJSCC) na siyang mangangasiwa sa seguridad at matiyak na masusunod ang health and safety protocols sa pagdarausan ng pangangampanya ng mga kandidato.

Facebook Comments