Ayon kay Atty. Wilma Binbinon, Election Officer ng COMELEC Santiago, wala silang kontrol sa pagbato ng mga resulta at hinimok rin nito ang supporters na beripikahin kung may katotohanan ang umano’y dagdag-bawas sa resulta ng botohan mula sa election returns transmitted.
Tanong naman ng isang supporter sa COMELEC kung maaaring ipadala ang ilang IDs upang maberepika ang mga alegasyon ngunit para kay Atty. Binbinon kung papayagan na makita ang mga larawan sa ID ay ang kanilang tanggapan ang mananagot sa ilalim ng Data Privacy Act.
Hamon naman ni Binbinon sa mga supporters kung nais talagang makita kung mayroon nga bang Data-Based Breach ay hintayin na lamang ang ilalabas na subpoena mula sa korte upang malaman kung mayroon ngang iregularidad sa resulta ng botohan.
Ipinaliwanag naman ng opisyal ang ilang dahilan ng rejected ballots gaya ng crumpled paper, aksidenteng mamarkahan ang gilid ng balota o di kaya ay mapunit.
Ayon sa kampo ng supporters, mayroong 4,255 na rejected ballots na sinasabing pabor ang boto kay Miranda.
Handa umanong harapin sa korte ng COMELEC ang anumang aksyon na ibabato laban sa kanila hinggil sa naturang isyu.