Comelec, sarado na sa posibleng pagpapalawig sa voter registration

Wala ng balak ang Commission on Elections (Comelec) na palawigin pa ang pagpapatala para sa mga botante.

Kaugnay ito ng idadaos na senatorial elections sa susunod na taon.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, pinal na ang September 30 deadline para sa voter registration.


Aniya, marami pa kasi silang mga aktibidad na pagtutuunan ng pansin kabilang na ang beripikasyon ng mga nagpatalang botante.

Bukod pa aniya ito sa mga plebisito na kanilang tututukan sa Las Piñas City at BARMM.

Facebook Comments