Senador, kinumpirma na may mga kongresista na sumunod lamang sa utos ng speaker sa pagpapapirma para sa People’s Initiative ng Cha-cha

Mismong si Senator Ronald “Bato” dela Rosa ay inaming may mga kongresista siyang nakausap at kinumpirma sa kanya na sila ay sumusunod lamang sa utos ng liderato ng Kamara hinggil sa pagpapapirma para sa People’s Initiative ng Charter change (Cha-cha).

Ayon kay Dela Rosa, may ilang kongresista ang tumawag sa kanya at nagpasintabi na sila ay sumusunod lamang sa utos ng kanilang speaker para sa pagpapapirma sa Cha-cha.

May mga impormasyon din siyang natanggap na kapalit ng lagda ay ang pag-iisyu ng claim stub para sa ayuda na aabot sa halagang P100 at mayroong P3,000.


Nang matanong si Dela Rosa kung ang PBA Party-list ba ang tinutukoy na kongresista na nagpapapirma sa Davao, sinang-ayunan ito ng senador na ito nga ang nakakarating sa kanya na impormasyon.

Aminado si Dela Rosa na mahirap ding sisihin ang mga kongresista na sumusunod lamang sa utos ng kanilang lider dahil survival ang pinaiiral ng mga ito.

Facebook Comments