COMELEC SATELLITE OFFICE, BINUKSAN SA ALAMINOS CITY

Pormal nang binuksan kahapon, Pebrero 5, ang Special Satellite Office ng Commission on Elections (COMELEC) sa isang mall sa Alaminos City bilang bahagi ng pagsisikap na mas mailapit sa publiko ang mga serbisyo sa pagpaparehistro ng botante.

Layunin nitong gawing mas mabilis, mas madali, at mas maginhawa ang voter registration para sa mga Alaminian at mga botante mula sa Unang Distrito.

Matatagpuan ang naturang Satellite Office sa Gate 3, Upper Ground Floor ng Nepo Mart Alaminos.

Sa pamamagitan ng Satellite Office na ito, mas mapapadali hindi lamang ang bagong rehistrasyon ng botante kundi pati ang pag-aayos ng mga rekord, transfer of registration, at iba pang uri ng aplikasyon sa COMELEC. Inaasahang makatutulong ito upang mas maraming mamamayan ang mahikayat na makilahok sa nalalapit na halalan.

Bukas ang COMELEC Satellite Office mula Pebrero 5 hanggang Mayo 15, 2026, tuwing Huwebes at Biyernes, upang magsilbi sa mga botanteng nais magparehistro at mag-update ng kanilang mga talaan.

Facebook Comments