
Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng tanggapan ng gobyerno na magtipid sa paggamit ng langis at kuryente.
Ayon sa pangulo, maglalabas siya ng opisyal na kautusan upang agad itong maipatupad upang matiyak na handa ang bansa sakaling tumagal ang tensyon sa Middle East.
Bagama’t may sapat pang suplay ng langis ang bansa, maaari aniyang tumagal ang krisis sa Gitnang Silangan kaya kailangang maging handa at maagap.
Hinikayat din ng pangulo ang publiko na makiisa at magbawas ng konsumo ng enerhiya hangga’t maaari.
Kabilang sa mga mungkahi ang pag-iwas sa hindi kailangang biyahe, pag-carpool sa halip na mag-isa sa sasakyan, at paglimita sa paggamit ng aircon sa mga opisina at tahanan.
Facebook Comments










