Sinimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagde-deploy ng mga balota at paraphernalia para sa Local Absentee Voting (LAV).
Ayon sa Committee on Local Absentee Voting (CLAV), ang mga balota at kagamitan ay ipapadala sa mga ahensya ng gobyerno at media entities.
Ang LAV para sa May 9 elections ay itinakda sa Abril 27 hanggang 29.
Ang LAV ay isang sistema kung saan ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno, kabilang na ang mga uniformed personnel at mga miyembro ng media ay pinapayagang makaboto sa mga lugar na hindi sila rehistrado pero nakatalaga para gampanan ang kanilang tungkulin sa araw ng eleksyon o di kaya ay hindi sila makakaboto sa mismong araw ng halalan dahil sa kanilang trabaho.
Nauna nang nagsimula ang Overseas Absentee Voting (OAV) noong Abril 10 kung saan nasa 1.6 milyong Pilipino sa ibang bansa ang eligible na makaboto.