Bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Agaton, umakyat na sa 58

48

Umabot na sa 58 ang nasawi sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Agaton ayon sa ulat ng mga lokal na otoridad.

Sa kabuuang bilang, 47 dito ay mula sa Baybay City, Leyte habang 27 pa ang nawawala at 100 ang sugatan sa naturang lugar.

Tatlo naman ang nasawi sa Negros Oriental at tatlo rin sa southern island ng Mindanao.


Nagpapatuloy rin ang search and rescue operations sa Abuyog, Leyte kung saan nasa 50 ang na-iligtas habang 5 naman ang naitalang nasawi.

Facebook Comments