COMELEC, sinisilip na ang pagkakaroon ng satellite registration para sa May 2022 elections

Pinag-aaralan na ng Commission on Elections (COMELEC) na maglunsad ng satellite registration activities para dumami ang bilang ng voters’ registration applicants para sa May 2022 national at local elections.

Ang satellite registration ay nananatiling suspendido sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 10674.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, target nilang magsagawa ng satellite registration events sa katapusan ng buwan kapag bumuti ang sitwasyon.


Dagdag pa ni Jimenez, ang requirements para sa registration lalo na sa mga taong pupunta ay magpaparehistro sa local COMELEC offices ay mananatiling mahigpit.

Sa huling datos ng poll body, aabot pa lamang sa 1,117,528 applicants ang nagparehistro mula nitong January 14.

Facebook Comments