Utos ni Pangulong Duterte na isama ang pamilya ng mga sundalo sa COVID vaccination, ipinauubaya na sa IATF

145

Ipinauubaya na ng Malacañang sa Inter-Agency Task Force (IATF) na ipatupad ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na isama ang pamilya ng mga sundalo sa mga ipaprayoridad sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.

Matatandaang sinabi ng Pangulo na kakausapin niya si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na iprayoridad ang pamilya ng mga sundalo sa mga mababakunahan.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi binago ni Pangulong Duterte ang priority list, pinalawak lamang niya ito para kilalanin ang sakripisyo ng mga sundalo.

Nasa kamay na ng IATF kung ipaptutupad ang hiling ng Pangulo.

Pagtitiyak ng Palasyo sa publiko na may sapat na bakuna kahit isama ang pamilya ng mga sundalo sa priority list.

Facebook Comments