COMELEC Spokesman James Jimenez, magbibitiw bilang tagapagsalita matapos ang pagreretiro ni Chairman Abas

Inanunsyo ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesman James Jimenez na magbibitiw siya bilang tagapagsalita ng poll body.

Ito ay para bigyang daan si acting COMELEC Chairperson Socorro Inting na makapamili ng nais niyang tagapagsalita ng poll body.

Tiniyak naman ni Jimenez na handa siyang manatiling COMELEC spokesman sakaling hilingin ni Inting.


Sa ngayon, ang COMELEC ay may apat na sitting member-commissioners, matapos ang pagreretiro kahapon nina Chairman Sheriff Abas at Commissioners Rowena Guanzon at Antonio Kho Jr.

Bukod kay Inting, kabilang sa incumbent COMELEC Commissioners sina Marlon Casquejo, Aimee Ferolino at Rey Bulay.

Facebook Comments