Nagpapabakuna sa isang vaccination site sa QC, matumal na

Matumal ang pumipila para magpabakuna sa vaccination site sa Quezon City High School sa Barangay Sacred Heart.

Ayon kay Dra. Tina Lucila ng Quezon City Health Office, mula sa 76 na scheduled para sa vaccination ngayong araw, mahigit 40 pa lang ang nagpabakuna pagsapit sa alas-3:00 ng hapon na cut-off.

First dose at booster ng AstraZeneca na para sa mga matatanda ang ibinibigay na bakuna sa naturang vaccination site.


Habang Pfizer na first dose at 2nd dose para sa pediatric vaccination.

As of February, nasa 5.21 million na ang nabakunahan sa lungsod.

2.1-M naman ang fully vaccinated.

Facebook Comments