Suportado ng Commission on Election (COMELEC) ang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na taasan na lamang ang allowance at honoraria na ibinibigay sa mga guro o poll worker na magsisilbi sa eleksyon kaysa ilibre sila sa buwis.
Kasunod na rin ito na pag-veto ng pangulo sa panukala para sa tax exemptions na mga benepisyo na tinatanggap ng poll workers tuwing eleksyon.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, mayroon naman silang budget kung sakaling ipatupad ito.
Giit ni Garcia, kesa mapunta sa iba ang halaga na sosobra sa kanilang budget para sa paghahanda sa eleksyon ay mas mabuti aniya na ibigay na lamang ito sa mga poll worker.
Maaari rin aniya na taasan na lamang ang mga training honoraria na ibinigay sa mga ito.
Sa ganitong paraan ay sinabi ni Garcia na kahit na buwisan ang allowance ng poll workers ay in tax pa rin ang mismong benepisyo o honoraria na tinatanggap ng mga nagsisilbi tuwing halalan.