Pangulong Marcos Jr., nagtalaga ng iba pang mga opisyal sa DOTr particular sa sektor ng railways

79

Muling nagtalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ng iba pang mga opisyal sa Department of Transportation (DOTr).

Kahapon ay pinanumpa na sa pwesto ni DOTr Sec. Jaime Bautista ang mga ito na sina Jeremy Regino bilang acting General Manager ng Philippine National Railways (PNR), kasama rin si Henry Uri bilang acting member ng PNR Board of Directors.

Si Regino ay nagsilbi na dati sa LRTA sa ilalim ng Duterte administration habang si Uri ay isang broadcaster at board of directors sa ilalim ng Bases Conversion and Development Authority o BCDA.


Itinalaga rin ng pangulo bilang bagong administrator ng Light Railway Transit Authority o LRTA si Atty. Hernando Cabrera na nagsilbing dating tagapagsalita ng ahensiya at Corporate Board Secretary.

Facebook Comments