Comelec, target na makapag-imprenta ng isang milyong balota kada araw

Ininspeksyon ng Comelec ang mga makina ng National Printing Office (NPO) na mag-iimprenta ng mga balota na gagamitin sa 2019 mid-term elections.

Ayon kay Comelec printing committee vice chairperson Maria Victoria Dulcero – patuloy ang pag-iimprenta sa 600,000 balota para sa plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL) na gaganapin sa February 6 para sa probinsya ng Lanao del Norte at pitong bayan ng North Cotabato.

Una nang natapos ang pag-imprenta ng 2.1 million na balota para sa plebisito sa January 21 sa ARMM, Isabela City sa Basilan at Cotabato City.


Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez – tinatayang aabot sa higit-kumulang tatlong milyong botante para sa gaganaping plebisito.

Sa January 22 naman uumpisahang iimprenta ang 60 milyong opisyal na balota at accountable forms para sa national at local elections sa Mayo.

Target ng Comelec na makapag-imprenta ng isang milyong balota kada araw bago ang deadline sa April 30.

Facebook Comments