Tony Labrusca, maaari na muling makapag-trabaho sa susunod na linggo

Tila na-relieve ngayon sa kinakaharap na problema ang aktor na si Tony Labrusca.

Nabatid kasi na sa susunod na linggo ay inaasahang mailalabas na ang kaniyang working permit na inaasikaso mismo ng abogado ng kanilang pamilya.

Dahil dito, maaari nang magpatuloy sa taping si Tony para sa kaniyang bagong teleserya kung saan ilang araw din itong naantala.


Bukod dito, muling humingi ng paumanhin ang aktor sa kaniyang inasal sa harap ng mga Bureau of Immigration officers at inaming nadala lamang siya ng emosyon.

Facebook Comments