Comelec, target resolbahin ang mga motion for reconsideration ng nuisance candidates bago matapos ang Nobyembre

Nadagdagan pa ang mga naghain ng Certificate of Candidacy (COC) na nag-file ng motions for reconsideration matapos ideklarang nuisance candidates ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, 16 na ngayon ang naghain ng mosyon mula sa 117 na idineklarang mga nuisance o panggulo lamang sa halalan.

Sabi ni Garcia, umaasa silang mareresolba na rin agad ang mga inihaing motions for reconsideration sa susunod na linggo o bago matapos ang Nobyembre.


Nasa 183 na nag-aasam sa pagka-senador ang naghain ng kanilang COC nitong October 1 hanggang October 8.

Sa ngayon, 66 na kandidato ang sigurado nang mailalagay sa listahan ng mga tatakbong senador sa 2025 midterm elections.

Facebook Comments