
Susunod ang Commission on Elections (COMELEC) sa desisyon ng Korte Suprema na hindi sapat ang paggamit ng nickname o palayaw nakaaya ng ibang kandidato para maging batayan upang ideklara bilang isang nuisance candidate.
Kasunod ito ng ruling ng Kataas-taasang Hukuman na nagkaroon ng grave abuse of discretion ang poll body nang ideklara nito ang isang kandidato sa Ilocos Sur bilang isang panggulo.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ituturing ng nila ang interpretasyon ng SC na isang batas na may bisa at obligadong maipatupad.
Dinisqualify si Charles “DB” Savellano noong 2025 midterm elections at kinansela ang certificate of candidacy dahil sa paggamit ng palayaw na katulad ng kapwa kandidato na si Deogracias Victor “DV” Savellano.
Pero sabi ng Supreme Court, ang pagkakahalintulad ng palayaw ay hindi awtomatikong indikasyon ng layunin na lituhin ang mga botante.










