Comelec, tatanggap pa rin ng request for demonstration para sa VCM

Manila, Philippines – Handang tumanggap ang Commission on Elections (Comelec) ng request for demonstration at seminars para sa Vote Counting Machine (VCM) hanggang sa susunod na buwan.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – layunin ng aktibidad na matulungan ang mga botante na maging pamilyar sa Automated Election System (AES) na siyang gagamitin sa nalalapit na midterm elections.

Pero sinabi ni Jimenez na ititigil na nila ang demo sa ikatlong linggo ng Abril dahil gagamitin ang mga ito bilang reserba.


Ang mga interesado ay maaring magpadala ng kanilang request sa *aesdemonstration@gmail.com <aesdemonstration@gmail.com>*

Nasa kabuoang 12 VCM demo machines ang magiging available sa main office ng poll body sa Maynila at apat na demo machines sa bawat regional office.

Facebook Comments