Higit 20 security forces, patay sa Taliban assault sa Afghanistan

562

Afghanistan – Nasawi ang nasa 23 Afghan security forces, 15 ang sugatan sa pag-atake ng Taliban militants sa joint US-Afghan base.

Ayon kay Ministry of Defense Spokesperson Ghafoor Ahmad Jawed – nangyari ang engkwentro sa Shorap military base na tumagal pa ng ilang oras.

Sa hanay naman ng mga kalaban, nasa 15 ang casualties kabilang ang pitong suicide bombers.

Ang nasabing pagsalakay sa Shorab ay gitna ng pansamantalang pagtigil ng peace talks ng US at Taliban negotiators sa Doha, Qatar.

Facebook Comments