Tinapos na ng Commission on Elections (COMELEC) ang operasyon ng kanilang transparency media server sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST).
Ayon sa COMELEC, wala kasing inaasahang transmission ng vote counting machines (VCMs) maliban sa resulta ng special elections sa Lanao del Sur.
Ang bilang ng mga nailipat na election return (ER) sa transparency server ay 98.35% simula noong Huwebes ng gabi.
Sa transparency media server kinukuha ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at ng media ang partial at unofficial na bilang ng boto para sa pagkapangulo, pangalawang pangulo at mga senador.
Nilinaw naman ng poll body na magiging available pa rin naman ang mga log o record mula sa transparency media server.
Facebook Comments